Friday, December 19, 2008

Masinsinan

Hello sa iyo. Matagal na rin pala simula noong huli kitang kinausap. Kasabay ng pagbabalik-tanaw sa mga oras na iyon, sinulyapan ko ang katamaran ko noong high school.

Naalala ko noong unang beses na nagkaroon kami ng internet subscription sa bahay. Nasa ikalawang taon ako noon. Ang cyber world ay nagmistulang karugtong ng kasiyahan sa eskwela. Tuwing gabi, deretso kaagad ako sa upuan ng computer upang buksan ang mga nakasanayan nang puntahan sa internet: ang Friendster, ang Yahoo! Messenger (YM) at kung ano pang maging sentro ng talakayan sa mga group messages (GM). Nakagawian ko rin noon ang mag-update ng isang blog.

Lagi ko ngang nagiging introduksyon ang "It's been so long since I last updated this blog." Iyon nga rin ang napansin ko sa iba. Hindi ko alam kung bakit pero parang nakararanas ng pangangailangan ang bawat blogger na magblog ng kanilang buhay. Sa gawaing ito, natuto akong (at ang mga kablogger ko) ipahayag ang aking sarili sa mundo, bagamat sa elektronikong paraan lamang.

Iyon nga, sa kabila ng pagpapahayag kong ito, madalang lamang akong magbahagi ng mga sikreto sa aking malalapit na kaibigan.

Miski ako ay naweirduhan, noong simulang purihin ng aking guro sa ikatlong taon sa Ingles ang aking mga komposisyon. Minsan nga, natataasan ko pa ang isa kong kaklaseng bihasa sa Ingles. Gayunpaman, alam ko pa rin naman ang layo ng agwat ng aming kakayahan; alam ko naman na mas magaling pa rin siya kaysa sa akin.

Dahil sa mga gawain kong ito tuwing gabi, hindi na ako nagkaroon ng konsepto ng pag-aaral. Hanggang ngayon, pinag-iisipan ko pa rin kung paano ako nakapagtapos noong high school. Lagi kong katwiran sa aking mga kaklase, "kapag tinanggal ang Math sa grading system, mas mataas na kayo sa akin."

Kung hindi siguro ako nahasa sa Math noong nasa elementarya, wala na siguro akong patutunguhan ngayon. Sa nakalipas na apat na taon, ang subject na iyon lamang ang nagpataas ng aking mga grado. Naalala ko pa nga noon, sa tuwing sasapit ang Periodic Tests week, Math lamang ang hindi ko pinaghahandaan. Tuwing Periodic Test week lamang siguro ako nagkakaroon ng kaunting konsepto ng pag-aaral. Pero alam kong hindi iyon maikukumpara sa pag-aaral ng iba ko pang mga kaklase.

Dahil sa kabuuan ng katauhan kong ito, natuto akong makisalamuha sa mga tao. Ika nga ng mga tao, ang saya-saya ko raw. Lagi nilang "dare" sa akin ang pagsimangot. Napansin ko rin na ako ang isa sa mga nagmamanufacture ng ingay sa klase. Haha.

Ang pamumuhay ko ngayong kolehiyo ay namulaklak sa paninirahan sa isang dormitoryo. Dito, nakilala ko ang mga taong subsob sa pag-aaral kapag may mga paparating na mga pagsusulit. Kasabay nito, ang pagkakaroon ng mga kausap sa gitna ng gabi ang naging alternatibo ko na rin sa YM community. Dahil sa paninirahan sa dormitoryo, nalayo na ako sa mundo ng cyber world.

Sa paglipas ng panahon, napansin ko rin ang unti-unti kong pagiging malungkutin. Bagamat paulit-ulit kong tinanong sa sarili kung bakit, hindi ko nakakuha ng sagot. Hanggang ngayon.

Kaya naman sa paggawa ko ng isang na namang blog entry, sana naman ay makahanap ng ako ng daan upang makausad. Sana naman, ang pagblog na aking mga nararamdaman, tulad noong high school, ay maging susi upang mareolba ko na ang problemang kinahaharap ko ngayon. Naniniwala kasi ako na isa ang blog sa mga paraan ng intracommunication. Higit sa madalas na interaksyon mo sa mga tao sa iyong paligid, dapat na magkaroon din ng masinsinang pakikipag-ugnayan sa iyong sarili.

Sunday, February 10, 2008

Mga Kaewanan

Simula noong ako'y nanirahan sa isang dormitoryo, medyo napalayo na ang aking access sa cyber world. At kung inyong mapapansin, ngayon lang ulit ako nagpost ng isang tagalog na entry. Kung tutuusin nga, taglish pa ito.

Wala lang. Ito siguro 'yung ilan sa mga pinakamalungkot na oras ng buhay ko. At malamang, isa itong entry na pagkakatuwaan ng Linnae. Hahaha... wala lang. Pero hayun. Grabe. Nalulungkot lang ako. Ang totoo niyan, hindi mo talaga mapipigilan ang iyong sarili na gumawa ng isang blog entry, lalung-lalo na kung nasa isa kang internet cafe, kapag:

1. hayun nga, nalulungkot ka.
2. may background music pang accompaniment
3. nagbrowse ka sa Friendster.
4. wala masyadong tao sa cafe.
5. masarap ang pagkakaupo mo.
5. in short, maganda ang atmosphere. hahaha...
6. kapag nagkakasundo kayo ng keyboard.

So hayun. Grabe. Napakatigang ng buhay ko ngayong araw na ito, along with my cellphone and all. Buti na lang talaga at 16 units lang ako ngayon. Kaunti lang naman ang ibabagsak ko ngayong semester na ito. Hayun. Tapos, sira pa 'yung laptop ko. Kaya naman balak kong tawagan ang aking mga magulang kapag ako'y natapos dito. Kung hindi man, hahaha... ewan!

Nag-aapply nga rin pala ako ngayon sa org. And this time, baka naman mareject ako. Ewan. Mas masakit atang mareject kaysa magdefer. Hay naku...

Nawalan nga rin pala ng cellphone ang aking napakamalusog na room mate. Wala lang. Update ko lang ang buhay niya.

Sana naman okay lang si Ariel sa Aurora. Hahaha.. pat ba naman hayun inupdate ko.

Hay.. hindi na rin ako masyadong nakakasama sa Linnae. Medyo financially-deprived kasi ako. Ngayon ko lang narealize na talagang ang hirap magbudget ng pera. Kapag nandiyan na siya sa harap mo, natetempt kang gumastos. Kaya hayun. Katulad ngayon, nakaopen time ako ngayon sa internet cafe. So malamang, money burn na ito. Grabe.

Grabe. Lagi ko na lang hindi katabi ang cellphone ko kapag tumatawag si Gidget. hahaha... pasensya na Gidget kung saka-sakaling nababasa mo ito. In the first place, as if naman may dadalaw pa rito. Well, at least nagpost ako. Wala lang. Ang saya lang magpost. Hahahaha...

Grabe. Ang dami na namang mga bagay na pumasok sa isip ko. Well, Sunday na naman ngayon. Isang napakagandang araw upang mag-reflect. Hay...

Sunday, June 10, 2007

Magreflect, Cellphone (Ulit) at Ang Dormitoryo

Sumapit muli ang araw na ito upang pansamantala tayong magreflect sa mga nangyari sa atin nitong linggong ito. Masasabi ko na ang mga araw na nagdaan ang mga pinakamabibigat sa lahat. Nais ko man isalaysay ang lahat, sa tingin ko'y mas mabuting alagaan ko na lamang ang privacy ng mga taong sangkot.

Hindi nga pala ako nakapagsimba noong nakaraang linggo. Marami kasi kaming inasikaso ni MJ. Gayunpaman, alam ko naman sa aking sarili na hindi iyon sapat na dahilan, kahit na sa tingin ko rin, wala talagang oras. Ewan. Basta. Ang linggo kasi ay araw ng pagpapahinga (at marahil, sa pagsisimba); hindi inilalaan sa mga lakad, may importansya man o wala.

~

Sa kabilang banda, ako'y gising ngayong umaga upang ipaayos ang aking cellular phone sa SM Mall of Asia. Doon kasi iyon nabili. Gusto sanang gamitin ng aking mga magulang ang 12 months warranty ng aking cp upang wala na masyadong gastos, ngunit sa kasamaang pala, hindi ko makita ang resibo nito. Bahala na rin siguro. Ayon sa mga technician na aming napagtanungan sa SM Southmall, reprogramming ang pinakamainam na paraan upang ito'y maayos muli. Kung ganoon man, siguradong mawawala ang mga files na matagal-tagal ko ring iningatan. Mawawala ang 3, 700+ messages na hindi ko man lamang binura. Mawawala ang mga ring tones na ibinigay sa akin ng aking Kuya. Haay... dapat talaga, sa memory card ko na lang inilagay ang mga iyon. Naalala ko tuloy 'yung usapan namin ni Jarold noong orientation sa Kalayaan Residence Hall.

Jarold: Naks! Bagong cellphone! Ano'ng unit?
Ako: 6151 iyan. Cheapcheapin lang iyan. Ang cute nga nung sa'yo eh!
Jarold: Ito? Padala lang iyan. Umaasa lang kasi ako sa padala. May mga MP3 ba diyan?
Ako: Medyo. Send ko sa'yo sa June 11!
Jarold: Ahahahaha! Sige!

At doon natapos ang conversation. Tapos, nagyon, sira cellphone ko. Haha ;p

Lilipat na pala ako sa dormitoryo bukas. Mamimiss ko ang lahat ng mga kagamitan sa bahay. Higit sa lahat, mamimiss ko ang ano... ang PC na kasama ko lagi sa pagpupuyat! Haha!

Sana talaga, maayos na ang aking cellphone. Namimiss ko na ang aking mga malalapit na kaibigan.

Saturday, June 9, 2007

Ghost Stories at Cellphone

Grabe. Dahil sa namimiss ko ang mga tagalog posts ko sa aking public blog, ako'y nagdesisyon na pansamantalang sulyapin muli ang mga iyon. Masaya naman. Noong mga oras na iyon, alam na alam ko na masyado akong problemado, dahil na rin siguro sa marami akong iniisip. Well, masasabi ko na mas okay naman ang maraming iniisip. Kaya nga 'di ba pinagpalaan tayo ng kokote? Upang gamitin sa pag-iisip. Stretch your brain muscles, bitches!

Sige, what has been up? Wala lang. Una sa lahat, malapit na ang pasukan. Nagpapahiwatig na malapit na akong lumayas sa aming mumunting tahanan. Napagdesisyunan kasi ng aking mga magulang na mas maluwag sa bulsa kung ako'y pansamantalang maninirahan sa isang dormitory habang ako'y nasa kolehiyo. Bawas gastos, bawas stress. At dahil dito, ako'y mas nahaharap sa mas maraming mga pagsubok. Siguro hindi rin ito bawas stress. What'cha think?

Ang totoo niyan, excited naman talaga akong manirahan sa dormitory. Ngunit kagabi lamang, habang kausap ko si Mykol Cueco sa telepono, marami siyang naikwentong mga storyang pangmulto na bumabalot sa UP Diliman. Well, hindi naman siguro obvious na magkaroon ng ghost story ang isang lugar na 99 years nang nakatayo. Pero siyempre, natakot lang ako dahil ang karaniwan sa mga iyon ay naranasan ko na. Mabuti't walang nagpakitang kakaibang nilalang. Tulad na lamang ng:

  • Example: May mga oras na kapag nagtungo ka sa isa sa mga palikuran ng UP Diliman, may mga instances na maaaring may lumabas o magpakitang... alam mo na.

Hayun. Nakapagkwento rin siya ng mga nagmumulto sa mga dormitoryo lalung-lalo na sa loob ng campus. Naalala ko tuloy 'yung naikwento sa amin ng aming dorm manager sa aming orientation na kung saan mahihinuha mo na may posibilidad talagang may... alam mo na. Waaah!

Ok. Tama na nga ang usapan tungkol sa ano... alam mo na!

Sa ngayon, bagot na bagot talaga ako. Sa dami ba naman ng maaaring masira, bakit kailangang cellphone pa? Siguro, ako'y pinaaalalahanan ng Poong Maykapal na matuto naman sana akong mag-alaga ng mga bagay/tao na mahalaga sa akin. Wala lang. Exaggerated lang talaga ako. Mas mabuti na rin 'yung marami kang natututunan mula sa isang napakaliit na bagay. Anyway, sana talaga, maaayos na kaagad ang aking cellphone. At sa oras na muli kong masulyapan ang mga features ng phone na iyon, talagang mapangingiti ako. Haha!

So iyon. Hanggang sa muli!

Sunday, May 13, 2007

Hang Over. Speechless.

Hang Over. Grabe. Lately ko lang natutunan ang term na iyan. Ang dami ko talagang natutunang termino mula sa aking mga kaklase. Hindi nga sila makapaniwala na ngayon ko lang nalaman 'yung mga ganun. Hay...

So ayun nga. Hang Over. Iyon ba ang feeling na parang tumatakbo pa rin sa isip mo 'yung mga bagay na nangyari sa iyo lately? Parang feeling mo lumulutang ka. Kapag matutulog ka na, ang hobby mo ay ang pagbabalik-tanaw sa mga nangyari noong araw na iyon. Hay...

Ang saya-saya talaga. Hinding-hindi ko talaga malilimutan ang outing ng Linnaeus. Ewan ko ba. Siguro, ito ay dahil sa katotohanang tinuruan nila ako kung paaano pahalagahan ang mga natitirang sandali. Ewan. Parang kasing during those times na magkakasama kami, lagi kong naiisip na iyon na ang maaaring isa sa mga lasts. Ewan. Ganun talaga. Hehehehe... minsan na lang talaga mangyayari iyon. Kolehiyo na kaming lahat, pati na rin si Angelo.

Karaniwan ng mga Linnaeus ay nasa Manila. Ang iba'y nasa UP Manila at ang iba naman ay nasa PLM. Si Daine, nasa EAC. Si Clem, nasa FEU (sa Manila rin 'yun 'diba?) 'Yung iba, nasa UST and etc. Basta 'yun. Halos lahat sila, nasa Manila. Kaunti lang kaming nasa Diliman. Kaya ako nagluluksa. Minsan ko na lang talaga sila makakasama...

Sana naman maging masaya rin ako sa kolehiyo. Pero siyempre, hinding-hindi ko malilimutan ang mga kaibigang dati rati'y palagi kong kasama. Hay... so emo na ba ako?

~

Marami din naman akong mamimiss sa Moseley. Hehe... marami akong mamimiss sa MaSci. Ayun lang.

Ang lulungkot ng mga kantang pinapakinggan ko ngayon. Kahit maingay, malulungkot ka pa rin. Ewan. Hay... kaya siguro naisipan kong gumawa ng post although masasabi kong medyo gulu-gulo ang thoughts ko ngayon. Kaya nga dito ko naisipang gumawa ng post. Hay... kung may nakakabasa man nito, hehe... wala lang. Okay lang na ipagkalat mo. As if naman... haha.

Wednesday, May 9, 2007

FOP

Hay... kapagod talaga. Dito muna ako mag-uupdate dahil sabug-sabog na naman ang aking buhay. Kahapon nga pala ang enrollment namin. Well, naikwento ko na siya sa iba kaya naman tinatamad na akong isalaysay pa ang lahat sa blog na ito. Anyway, ikwento ko na lang 'yung nangyari ngayon.

Ngayon kasi nakaschedule 'yung FOP namin. Masaya naman siya. 'Di ko inasahang ganoon kainit ang magiging pagtanggap sa amin ng mga higher years. Well, sana nga maging mabait sila sa amin. As usual, nakita ko na naman 'yung mga taong nakita ko kahapon. Sila ay sina Carlo Celis, Rei Mark Co, Joana Frias, Anjenine Guanlao, Yani Daza, Janica Singuillo, Katz Rivera, Laurence Bautista, Karl Pilario, Nialyn Eroles, Bobbie(Abby) Chua and Azel Montemayor. Ay, hindi ko na pala nakita si Oyie Javelosa. Baka nagpuyat yun. Haha.

Masaya naman 'yung FOP. Natuwa lang ako sa mga intermission numbers. Tinuro rin sa amin 'yung mga UP cheers at higit sa lahat, ang kanta ng UP. Hehehe... pagkatapos, nagkaroon kami ng maikling campus tour gamit ang ruta ng TOKI. Okay.

Hay... kapagod talaga. Uki lang.

Tuesday, April 24, 2007

Pagliliwaliw Sa Kamaynilaan

To clear things out once more (lalo na sa mga hindi masyadong nagbabasa o kaya naman, kung saka-sakali, ngayon lang napadpad dito), hindi ito isang secret blog. Read the first entry for details, bitches.

Hello sa iyo, blog! Ano'ng meron? Wala lang.

Maya-maya kasi, hindi na naman ako makagagamit ng computer, kaya naman naisipan ko na ring mag-update kahit papaano.

So ano'ng bago? Heto, dito ko na naman naisipang mag-update dahil gulu-gulo ang buhay ko.

O ayan. Lumuwas ako patungong Maynila upang tapusin ang mga dapat iligpit. Nagtungo muna ako sa MaSci at doon, nakita ko sina Kat M, Joco at Mr. Sta. Ana na tila naghihintay ng iba pang mga Lawrence. Mukhang may lakad ang mga bangag. So ayun. Nagulat nga ako nang ako'y magtungo kay kuya Adam.

Ako: Kuya, kukuhain ko lang po yung Form 137 ko.
Kuya Adam: Sandali lang ah.

Biruin niyo 'yun? Hindi man lamang tinanong ang pangalan ko. Makalipas ang ilang segundo, hayun! Pinapasok na niya ako at may mga kaekekan na ipinasulat sa akin. Tapos, voila! Ang galing naman ni Sir Adam! Hehehehehe...

So ayun. Matapos iyon, nagtungo akong PLM upang kuhain 'yung stipend na ilang months ding nadelay (or dinelay!) Pagpasok ko, nakita ko si Mykol na papalabas na at tila masaya. May kasama kasi siya. Anyway, matapos ang isang maikling panayam sa kanya, nagtungo na rin ako sa ICO kung saan nakahimlay ang sekretarya ni Mrs. Patag. Naging mabait na bata naman ako. Tinanong pa nga kung medalist ako. Sabi ko naman, "Opo" Bulong ko naman, "Who cares?!" Tapos, binigyan na rin niya ako ng limpak-limpak na salapi! Bwahahahah! Bago lumayas, nagthank you ako kahit na ilang months nang nadelay yung stipend. Well, at least, meron (kahit ilang months nadelay)

Matapos iyon, dumeretso ako sa isang pwesto malapit sa SM Manila (hindi ko alam ang tawag dun eh). Basta nakiupo lang ako doon. Hayun. Nagtext muna ako sa mga tao since unli ako. Sinabi ko sa kanilang lahat na nasa SM Manila ako. Hindi ko specifically nasabi na nasa labas ako ng SM Manila. Well, pareho rin naman iyon eh, 'diba? Hehehehe... wala lang. So ayun. Pinapunta ako ni Cielo sa KFC kasi nandun daw yung Lawrence. So hayun pala, may lakad pala ang Lawrence.

Bago magtungo sa KFC, umupo muna ako sa harap ng MaSci at tinext ko si Allister. Matapos ang ilang sandali, nagulat ako nang tumalikod ako at boo! Nasa likod ko ang monster! Si Monster Allister! Saya ko naman. Tapos, pagkarating namin sa tawiran papuntang Alva, nakita namin si Cielo na talaga namang sinundo pa kami papuntang KFC.

So ayun. Nandun na sina Iric, Kat M, Mr. Sta. Ana, Joco at Vanir - mga Lawrence people. Hindi naman kami masyadong mukhang sampid nina Allister, 'diba?

Well, anyway, kahit na pawang mga sampid kami, nagtungo pa rin kaming Robinsons, Ermita upang magliwaliw (kasama, of course, ang Lawrence.) Kumain muna kami nina Cielo at Allister sa Food Court habang ang Lawrence people naman ay nagdance maniax. Matapos noon, nagkita kaming muli at nagvideoke. Grabe. Kahit papaano naman, naging makapal din ang mukha namin ni Allister kaya naman hindi na rin kami mukha masyadong sampid, kahit na sa totoo naman talaga, sampid kami.

Noong isang token nalang ang natira, biglang dumating si Super Heavyweight Wrestling Champion Julie Ann Sigua, na nagkwentong pumayat daw siya sabi ng Tita niya. Biro naman ni Cielo, "Baka sinungaling lang 'yung tita mo!"

Matapos magastos ang pinakahuling token, nagpaalam na kaming dalawa ni Cielo. Nagpunta muna kaming rest room. Pagkalabas ko, nakita ko sina Roemel at Arvilind; tila sasama rin sila sa Lawrence. So ayun.

Nagtungo kami ni Cielo sa MCDO, Pedro Gil dahil may pinabibili raw sa kanya ang moody niyang tatay. Matapos niyang hintayin ang order niya, nagpaalam na kami sa isa't isa. Nagtextext muna ako bago ako umuwi. So ayun.

At doon nagtapos ang aking pagliliwaliw sa Maynila.

Pagdating ko ng Times, bumili na rin ako ng pasalubong para kina Jess, MJ, Mark, J-Ann at Kuya Jeff. Mukha talagang papayagan na ako sa outing dahil ang bait ko raw! Well, sana nga...

Ayan. Sige, sa susunod muli. Paalam!